ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pista para kay San Pedro Calungsod, ipinagdiwang sa Toledo City, Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dinagsa ng mga deboto ni San Pedro Calungsod ang kapistahan nito at ang founding anniversary ng Toledo City na pinatingkad ng iba't ibang aktibidad. Pinangunahan ni Auxiliary Bishop Emilio Bataclan ang Pontifical Mass nitong Martes ng umaga alinsunod sa kapistahan ng pagiging martir ni Calungsod. Dinaluhan ito ng mga kaparian mula sa iba’t-ibang parokya sa Archdiocese of Cebu. Ang kapistahan ng San Pedro Calungsod Parish ay itinakda sa araw ng pagkakahirang kay Calungsod bilang beato noong Marso 5, 2005. Sa homily ng misa, inihayag ang kahalagahan ng pagkakaintindihan ng bawat pamilya. Labis naman ang pasasalamat ni Fr. Russel Sungcad, kura-paroko ng simbahan, sa mga taong naging instrumento sa pagpapatayo ng parokya bilang “offering" kay San Pedro Calungsod. Kasabay nito, inihayag ni Fr. Sungcad ang kanyang pagnanais na ilipat ang araw ng pista sa kanilang parokya sa Oktubre 21, ang araw kung kailan idineklarang Santo si Calungsod. Matapos ang misa, kaagad namang isinagawa ang street dancing competition at grand showdown na bahagi ng Martyrdom Festival 2013. Dinaluhan ito ng iba’t-ibang grupo mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan ng cebu. – Mark Anthony Bautista/FRJ, GMA News