ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Dinukot na mag-ama sa Camarines Sur, pinatay
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Natagpuan nitong Miyerkules ang naaagnas na bangkay ng mag-amang dinukot ng mga armadong lalaki sa San Fernando, Camarines Sur noong Pebrero 28. Paniwala ng mga mga kamag-anak ng mga biktima, mga rebelde ang dumukot at pumatay sa mag-amang sina Martin at Jimson Copino ng Bgy. Pinamasagan, San Fernando. Nakita ang kanilang mga labi na may mga sugat sa katawan, isang kilometro lang ang layo sa bahay ng mag-amang biktima. Pero batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya ng San Fernando, personal na alitan at hindi mga rebelde ang nakikita nilang may kagagawan sa krimen. May mga suspek na umano ang pulisya at kasalukuyan na nila itong hinahanap. -- AEclarinal/FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular