Alamin ang mga usong sakit sa tag-init
Sore eyes, sun burn, sipon at ubo, sakit sa balat at kagat ng aso ang ilan sa mga laganap na sakit ngayong summer, ayon sa ulat ng “State of the Nation” noong Biyernes. Upang maiwasan ang sore eyes, ugaliing maghugas ng kamay, payo ni Dr. Carlos Chua, isang ophthalmologist. Kung may sore eyes, 'wag kusutin ang mata. Aniya, imbes na panyo o bimpo, tissue na lang ang gamiting pamunas sa mata. Agad umano itong itapon matapos gamitin. Samantala, pinaalalahanan naman ni Dr. Reynaldo Lazo ng Laoag City General Hospital ang publiko ukol sa mga haka-haka na nagpapagaling umano ng sore eyes ang pagpapatak ng gatas ng ina o ihi sa apektadong mata. “Iwasan nang gawin ‘yung practice na... paglagay ng ihi dun sa mata. Mali 'yun at hindi talaga advisable kasi lalong lalala,” dagdag pa ni Lazo. Makakatulong umano ang paghihilamos at paghuhugas ng kamay upang madaling gumaling. “Daily hugasan, ibabad ‘yung mata ‘pag naghilamos. Idilat ‘yung mata sa tubig ng mga around 5 to 10 minutes,” ani Lazo. Karaniwan umanong lumalaganap ang sore eyes tuwing Enero hanggang Marso sa panahon ng tag-init at mula Agosto hanggang Setyembre naman sa panahon ng tag-ulan. Sa Laoag City General Hospital, hindi baba sa 10 bata na may edad isa hanggang lima ang naitalang nagkaroon ng sore eyes. Mag-ingat din sa dikya Bukod sa mga nasabing sakit na uso ngayong summer, pinag-iingat din ang publiko sa mga dikyang naglipana ngayon sa dalampasigan. Ayon sa isang hiwalay na report sa programang “State of the Nation” nitong Biyernes, iniulat ni John Consulta ang kapansin-pansing pagdami ng bilang ng dikya sa Manila Bay at Bataan. Perwisyo umano ang dulot ng dikya sa mga makakapitan nito. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang kamandag ng dikya ay may mga lasong nakakasugat at nakakairita sa balat. Babala niya: huwag na huwag hahawakan ang mga dikya. Gayunpaman, paliwanag ni Westly Rosario, chief ng National Inland Fisheries Technology Center ng BFAR, may papel pa rin umanong ginagampanan ang mga dikya sa kalikasan. “Jellyfish is part of the ecosystem so nagbabalance din siya sa pamamagitan ng pagkain doon sa mga algae.” Kung sakalaing madikitan ng dikya, payo ng BFAR: