Kaso ng upper respiratory tract infection sa isang ospital sa Vigan, tumaas
Mahigit sampu ang itinatakbo sa Gabriela Silang General Hospital sa Vigan, Ilocos Sur kada araw dahil sa mga sakit na upper respiratory tract infection tulad ng pneumonia, bronchitis, sipon at ubo.
Daing ng mga pasyente, nakararanas sila ng hirap sa paghinga, at ang ilan ay hindi rin makakain.
Base sa datos ng ospital, umaabot sa 26.56 porsiyento ang itinaas ng kaso ng upper respiratory
tract infection mula Enero 2 hanggang sa kasalukuyan. Nangunguna rito ang pneumonia.
Ang nabanggit na mga sakit ay karaniwan daw na nakukuha dahil sa pabago-bagong panahon.
Dahil din sa pag-init ng panahon, humihina ang resistensya ng tao at mas malaki ang
tiyansang dapuan ito ng sakit.
Para maiwasan ang sakit, kailangan ang balance diet, exercise, matulog sa tamang oras, iwasan ang paninigarilyo at pag-inom, at iwasan din ang mga taong may ubo at sipon para hindi mahawa. -- JRLabiano/FRJ, GMA News