ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pilipinas, isinusulong na maging ‘diving capital’ ng Asya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Suportado ng Department of Tourism (DOT) ang hakbang na itaguyod ang underwater activities o diving sa bansa bilang bahagi ng pagpapaunlad ng turismo ng Pilipinas. Sa Abril 18-21, ilulunsad ang World DEEP (Dive Expo and Exhibition Philippines) na mungkahi ni DOT Secretary Ramon Jimenez, na kasabay ng World Underwater Federation's 13th Elective General Assembly na gaganapin sa Pilipinas. Ayon kay Benedict Reyes, presidente ng Philippine Association on Underwater Activities (PAUA) at Board member ng Asian Underwater Federation, malaki ang potensiyal ng Pilipinas na maging "diving capital" sa Asya dahil sa dami ng lugar na maaaring sisirin. Sinabi nito na maraming dayuhang diver ang nagbabansag sa Pilipinas bilang "center of center" sa mundo pagdating sa underwater activities. Sa April 17-23, sinabi ni Reyes na tinatayang 150 lider ng underwater federation sa buong mundo ang dadalo sa gaganaping World Underwater Federation General Assembly sa Mactan, Cebu. “Diving is regarded as one of the top tourist activities in the Philippines, though it is still not as well-promoted yet. What more if it was?," ayon naman Karen Chan, executive director ng Philippine Commission on Sports Scuba Diving (PCSSD). Ang gaganaping pagtitipon sa Cebu ang magsisilbing unang international dive expo sa Pilipinas, na magandang pagkakataon umano para maipagmalaki ang magagandang dive sites sa bansa. Ayon kay Reyes, bukod sa mga kilala nang diving sites sa northern Luzon, Southern Tagalog, Visayas at Mindanao, sinabi nito na napakarami pang potential dive sites sa bansa ang hindi pa napupuntahan at maaari pang tuklasin at paunlarin.   “The Philippines is one big dive site,” paggiit ni Reyes, na tiwalang mapapahanga sa gaganaping dive expo ang mga opisyal ng World Underwater Federation o ang Confederacion Mondial des Activites Subaquatiques, ang kauna-unahang international dive agency sa mundo na nakabase sa Europe. - FRJ/GMA News

Tags: diving,