Filtered By: Topstories
News

Sino si Doroteo Jose na ipinangalan sa isang kalye sa Sta Cruz?


Sa mga sumasakay sa Light Rail Transit  (LRT), madalas nilang nakikita ang Doroteo Jose station. Pero sino nga ba ang taong nasa likod ng pangalang ito? Si Doroteo Jose ay isang makabayang Pilipino na pinarusahan ng mga mananakop na kastila matapos niyang pangunahan ang pagkilos at pagpetisyon upang mapatalsik ang isang tiwaling arsobispo. Bilang pagkilala sa kanyang ginawa, ang dating Melba Street sa Sta Cruz ay ipinangalan kay Doroteo Jose pagsapit ng taong 1914 kung saan nakatapat din ang nabanggit na LRT station. - FRJimenez, GMA News
Tags: trivia