ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

74-anyos na lalaki,  'di kinaya ang init sa Roxas City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matinding init ng araw ang pinaniniwalaang dahilan ng pagkasawi ng isang 74-anyos na lalaki na na-heat stroke sa Roxas City, Iloilo nitong Miyerkules ng tanghali.   Ayon sa mga saksi, nakitang naglalakad sa kalye ang biktimang si Romeo Caldeo, residente ng barangay Sibaguan, nang bigla itong mabuwal.   Dahil sa pagkakabagsak sa sementadong kalsada, nagtamo rin ng sugat sa noo ang biktima at hindi na umabot ng buhay sa ospital.   Wala namang nakikitang foul play ang pulisya sa sinapit ni Caldeo dahil na rin sa ibinigay na pahayag ng duktor na tumingin sa biktima na na-heat stroke ito. --Cris Yu/FRJ, GMA News

Tags: heatstroke