Pinakamainit na temperatura sa NCR ngayong taon
Naitala ngayong araw ng Biyernes ang pinakamainit na temperatura sa Metro Manila na umabot sa 35.4 degrees Celsius, ayon sa state weather forecasters. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing naitala sa pinakamainit na temperatura dakong 2 p.m. sa Science Garden sa Quezon City. Nitong Miyerkules, naitala ng PAGASA ang temperatura sa Metro Manila na umabot sa 35.2 degrees Celsius. Ayon sa resident meteorologist ng GMA na si Nathaniel “Mang Tani” Cruz, ang pinakamainit na temperatura na naitala ng PAGASA sa Metro Manila ay nangyari noong Mayo 17, 1915, na pumalo sa 38.6 degrees Celsius sa Port Area, Manila. Samantala, ang pinakamainit na temperatura sa bansa ay umabot sa 42.2 degrees Celsius na nangyari noong May 11, 1969 sa Tuguegarao City. — FRJ, GMA News