ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2-anyos na batang babae, patay sa sunog sa Makati


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang-taong gulang na batang babae ang namatay sa sunog sa isang residential area sa Makati City madaling-araw nitong Linggo. Natagpuan ang katawan ng biktima, na kinilalang si Nilziy Joy Buyco, na nakaipit sa mga bumagsak na mga bahagi ng nasunog na bahay sa Barangay Palanan. Kinumpirma ni Vicente Buyco, lolo ng biktima, sa dzBB na mga labi ng kanayang apo ang natagpuan. Naniniwala ang matanda na naiwanan ang kanyang apo sa loob ng bahay at posibleng inakala ng ama ng bata  na nailabas na ito nang magsimula ang sunog. Sa panayam ni Manny Vargas ng dzBB kay Daryl, ama ng bata, sinabi nito na naibaba niya ang anak mula sa loob ng kanilang bahay at inihabilin niya sa isang residente. Laking gulat nila nang ma-recover ang katawan ng bata na nasunog na. Aabot sa 20 kabahayan ang natupok ng apoy, ayon sa ulat. Nagsimula umano ang sunog sa bahay ni Vicente Buyco dakong 2:10 ng umaga sa panulukan ng Arellano at Zobel Roxas Streets. Umabot sa ika-limang alarma ang sunog na mabilis na kumalat dahil sa gawa sa light materials ang mga kabahayan sa lugar. Naapula ang apoy dakong 2:45 ng umaga, ayon sa dzBB. Inaalam na ngayon ng arson investigators ang impormasyong nagsimula ang apoy sa nag-overheat na exhaust fan. — RC /LBG, GMA News

Tags: fire, makatifire