ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sugatang dolphin, napadpad sa baybaying dagat ng Roxas City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakitang lumalangoy sa gilid ng baybaying dagat sa barangay Barra sa Roxas City ang isang sugatang dolphin na nagmistulang atraksiyon sa mga residente sa lugar. Ayon sa kay Rizalde Astrolabio, kawani ng city Agriculture office,  posibleng naligaw at nahiwalay sa kanyang mga kasamahan ang sugatang dolphin. Hinihinala niya na ang mga sugat na tinamon ng nasabing hayop ay mula sa pagkakabangga nito sa mga bato sa dagat . Ang lalaking dolphin ay may habang 1.5 meter at tumitimbang ng 20 kilo. Dahil malakas naman ito, nagpasya na lamang ang mga tauhan ng Bantay Dagat na dalhin ang hayop sa malalim na bahagi ng dagat. - Christopher Yu/FRJ, GMA News

Tags: dolphin, animals