ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Nag-overheat na water dispenser, itinuturong dahilan ng sunog sa Ilocos Sur
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang nag-overheat na water dispenser ang sinasabing pinagmulan ng sunog na tumupok sa isang karinderya at talyer sa Sta Lucia, Ilocos Sur. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing lumitaw sa imbestigasyon na mag-overheat ang water dispenser ng karinderya dahil na rin sa depektibong linya ng kuryente. Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil gawa lang sa light materials ang karinderya. Madali namang nadamay sa sunog ang katabing talyer dahil marami itong gamit na madaling kainin ng apoy. Inaalam pa ang mga bumbero ang kabuuang halaga ng pinsala sa nangyaring sunog. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular