ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Seguridad sa Bataraza, Palawan, hinigpitan matapos ang mga pagsabog


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hinigpitan ang seguridad sa bayan ng Bataraza sa Palawan matapos ang apat na pagsabog na naganap malapit sa isang minahan nitong Miyerkules ng gabi.   Sa inisyal na impormasyon, lumitaw na walang nasugatan sa mga pagsabog sa nangyari sa national highway, ayon kay PO3 Rolie Paculdas ng Bataraza police sa panayam ng GMA News Online nitong Huwebes.   Ayon kay Paculdas, improvised explosive devices (IED) ang mga sumabog pero patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon.   Sa hiwalay na ulat ni Palawan affiliate James Viernes sa radio dzBB nitong Huwebes, sinabing malakas na uri ng pampasabog ang isa sa mga ginamit ng mga hindi pa kilalang mga suspek.   Inihayag naman sa mga lokal opisyal, tinitingnan din ang posibilidad na maaaring mayroong bahid ng pulitika ang pagsabog.   Kabilang sa nagbabantay sa seguridad sa bayan ay ang Marine Battalion Landing Team 12. - Mandy Fernandez/FRJ, GMA News

Tags: palawan