ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Asawa ng tumatakbong mayor sa Iloilo, patay sa ambush


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Napatay ng anim na armadong kalalakihan nitong Lunes ang asawa ni re-electionist mayor Ligaya Apura ng bayan ng Lemery sa probinsya ng Iloilo. Isinugod sina Jun Apura at ang dalawa niyang kasamahan, na nagtamo ng multiple gunshot wounds, sa Sara District Hospital matapos ang pananambang nitong Lunes ng umaga, ayon kay Western Visayas regional police chief Chief Superintendent Argimero Cruz Jr. Subalit, idineklarang dead on arrival sina Apura at isa pang biktimang kinilala lamang sa pangalang "Espaldon," ayon kay Cruz. Habang nakatakas ang ibang mga suspek, arestado naman si Mario Cobarubias, residente ng Dumarao sa Capiz, ayon kay Cruz. Nakumpiska kay Cobarubias, na mayroon nang hinaharap na kasong murder, ang M14 na rifle. Ayon kay Cruz, maaaring "land dispute" ang motibo sa pagpatay. “Initially land dispute, 'yun ang sinasabi nung arestado," aniya. Tumatakbo si Ligaya Apura sa ilalim ng United Nationalist Alliance. — Amanda Fernandez/BM, GMA News