ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilang may-ari ng mga mall, tutugon sa panawagan ng DOE para sa eleksyon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ikintuwa ng Department of Energy ang naging tugon ng ilang mga negosyante at may-ari ng mga malalaking mall sa buong bansa ukol sa pagbabawas ng gamit ng kuryente sa araw ng eleksyon.

Sa ulat ni Orly Trinidad ng dzBB, una nang nanawagan si DOE Secretary Jericho Petilla sa mga negosyante sa bansa na magtipid sa paggamit ng kuryente at magbigay-daan sa pangangailangan sa halalan.

Ipinangako naman ng mga negosyante kay Petilla na sa halip na alas-10 ng umaga, tanghali na magbubukas ang mga mall sa buong bansa sa Mayo 13.

Sinabi ni Petilla na ang SM Mall ay magbubukas ng alas-12 ng tanghali at gayundin ang Robinsons Mall.

Suspendido naman ang operasyon ng Puregold at makikiisa rin ang pitong Ayala Malls sa panawagan ng DOE.

Bukod sa mga mall, nanawagan din ang kalihim na dapat makiisa maging ang ordinaryong mamamayan. — RC /LBG, GMA News