ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Annabelle Rama, may mensahe sa nakalabang kongresista sa Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang araw matapos ang eleksyon, nagbigay ng mensahe sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ang kontrobersyal na talent manager na si Annabelle Rama, na kumandidatong kongresista sa Cebu.   Nitong Martes, Mayo 14, magkakasunod na nag-post ng mensahe si Annabelle na may kaugnayan sa resulta ng eleksiyon kung saan nangunguna ang kanyang nakatunggaling si Raul Del Mar.   Kabilang sa nabanggit ni Annabelle ay ang pagdeklara na muli siyang magbabalik.

  Nagpasalamat din siya sa suportang natanggap sa mga mamamayan ng North District ng Cebu City, lugar kung saan siya tumakbong kongresista. Basahin:  Annabelle Rama, namimiligrong mabigo sa unang sabak sa pulitika sa Cebu Sinabi rin ng talent manager na wala siyang pinagsisihan sa anim na buwan niyang paglalakbay sa mundo ng pulitika.   Nagbigay din siya ng mensahe sa nakalabang si Del Mar.