ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

P8M halaga ng pirated discs, nasabat sa Maynila


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang kahon-kahong pirated CDs na nagkakahalaga mula P6 milyon hanggang P8 milyon sa loob ng isang abandonadong van sa Quiapo sa Maynila madaling araw nitong Biyernes.

Narekober ng mga miyembro ng Optical Media Board at ng PNP Criminal Investigation and Detection Group ang mga CD sa isang van na nakaparada sa Echague Street matapos makakuha ng isang tip mula sa mga impormante, ayon sa ulat ni Roland Bola sa radio dzBB.

Ayon sa pinuno ng OMB na si Ronnie Rickets, kabilang sa mga nakumpiska ang 60 kahon ng mga discs ng mga "blockbuster" movies.

Walang naaresto ang mga operatiba dahil wala nang tao sa van nang madatnan nila.

Kamakailan, sinabi ng United States Trade Representative na ang Pilipinas ay nasa US piracy watch list pa rin dahil hindi pa nito nasusugpo ang bentahan ng piniratang mga pelikula, lalo na ang mga "notorious" na bentahan sa Internet.

Nasa ordinaryong watch list na ang Pilipinas simula pa lamang noong 2007, kungkailan kasama nito ang 29 iba pang mga bansa. — JGV /LBG