ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Negosyo sa niyog, patuloy na lalakas — negosyante


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tiwala ang pamahalaan na lalakas pa ang “coconut industry” sa Pilipinas matapos magpahayag ng intensyon ang isang malaking kumpanya sa industriya ng food service sa Houston, Texas.

Ayon kay Trade Rep. Archimedes Gomez ng Philippine Trade and Investment Center sa Los Angeles, interesado ang kumpanyang CHISCO, isang major player sa food service industry sa America na umangkat ng “coconut water” o mas kilala sa tawag na “buko juice” mula sa PIlipinas, ayon sa ulat ni Sam Nielsen ng dzBB.

Nakita kasi umano ni CHISCO Sr. Dir. International John Poloc ang potensyal ng negosyong ito matapos bumisita sa katatapos lamang na International  Food Exibition na inorganisa ng Center for International Trade Exibition and Mission ng DTI.

Sa ngayon, naghahanap ng merkado ang kumpanya sa kanilang mga sangay sa Los Angeles at sa New York at maging sa Miami para matukoy ang lugar na pagbebentahan ng kanilang mga produkto.

Matatandaang pinasikat at inendorso ni American Pop Star Madonna ang pag-inom ng buko juice.

Ang exhibit sa Pasay City ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Aquino na maaaring lalakas ang "export products" ng Pilipinas. — RC /LBG, GMA News