ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Publiko, pinag-iingat sa pagkain ng ligaw na kabute


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinag-iingat ng Department of Health ang publiko ngayong papasok na ang tag-ulan sa pangunguha ng mga ligaw na kabute o “wild mushroom.”

Ayon sa ulat ni Mao dela Cruz, ang babala ay kaugnay sa mga kaso ng pagkalason dahil sa pagkain ng “wild mushroom” na naitala ng Baguio City Health Services Office. 

Sinabi ni Dra. Lorabel Tubera ng BCHSO na pitong kaso na ng pagkalason ng ligaw na kabute ang naitala sa mga ospital ng siyudad sa loob ng nakalipas na dalawang linggo.

Kabilang dito ang ang apat na miyembro ng isang pamilya na na-confine sa Intensive Care Unit.

Pinayuhan ni Tubera ang “mushroom pickers” na mag-ingat dahil sa magsusulputan ang iba’t ibang uri ng kabute tuwing panahon ng tag-ulan, partikular na sa mga gilid ng kalsada at golf courses.

Mayroon din kasi umanong “species” o uri ng kabute na “highly toxic” na maaring maging sanhi ng renal failure o hindi na makaihi ang apektadong tao.

Ayon kay Tublera, ang mga sumusunod ay sintomas ng pagkalason ng kabute:

Pagsusuka

Pananakit ng sikmura

Pagiging antukin, 20 minuto matapos kumain ng kabute

— RC /LBG, GMA News