ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Manunulat na si Paulo Coelho: Patungong langit ang kaluluwa ng mga Pinoy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ayon sa sikat na Brazilian na manunulat na si Paulo Coelho, tutungo sa pinto ng langit ang mga kaluluwa ng mga Pilipino.

Taliwas ito sa paglalarawan ng manunulat na si Dan Brown sa libro nitong pinamagatang "Inferno" na ang Maynila umano ay "gates of hell."

Sa isang mensaheng inilagay niya sa Twitter account niya, sinabi ni Coelho na sigurado siyang hindi naman intensiyon ni Brown na makilala ang Maynila bilang "gates of hell."

Mayroong walong milyong followers si Coelho sa Twitter.

"Dear (F)ilipinos, your souls lead to the gates of heaven," sabi ni Coelho sa Twitter account nito, sabay lagay ng hashtag na "#fact" sa dulo nito.

My tweet to (F)ilipinos: another author, I am sure unintentionally, described Manilla as "the gates of hell" in his new&successful book," sabi niya sa kanyang tweet.

Nag-react naman ang ilang follower niya sa Twitter.

“We love you Paulo. #fact,” ayon sa cultural activist na si Carlos Celdran.

“What a beautiful message to wake up to! Thank you!” ayon sa Twitter user na si @mindanaoan.

Nagsimula ang kontrobersya nang lumabas ang aklat ni Brown kung saan ginamit na setting ang Maynila. Bida sa akda na si Sienna Brooks na napadpad sa Pilipinas para sa isang humanitarian mission.

Ngunit pagdating sa Maynila ay nasaksaihan niya ang polusyon, ang hindi umuusad na trapik, ang bentahan ng laman. Muntik pang magahasa ang bidang babae.

Samantala, sumulat na si Chairman Francis Tolentino ng Metropolitan Manila Development Authority kay Brown upang ipahatid ang pagkadismaya niya sa "Inferno." — JGV /LBG, GMA News