ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Watawat na gawa sa chocolate, inilatag sa Cebu City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inilatag sa isang mall sa Cebu City ang iba't ibang uri ng tsokolate para maging isang malaking watawat ng Pilipinas. Sa pangunguna ng Cebuano tableya maker na si Raquel Choa, ginawa ang watawat na gawa sa tsokolate bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng bansa sa Miyerkules. Tiyak na maaaliw at matatakam ang mga makakakita sa chocolate flag na may lapad na 12 talampakan at habang 20 talampakan . Sinabing mahigit sampung libong piraso ng tsokolate ang ginamit dito. Kabilang sa mga tsokolateng ito ang alfajores, tablea rice crispies, chocolate palines at chocolate stick. Ayon sa mga organizer, ito ang kauna-unahang chocolate flag na sa bansa  kaya naman proud sa kanilang produkto ang mga Cebuano. Ididisplay ang Philippine chocolate flag  hanggang sa Araw ng Kalayaan sa Miyerkules, June 12. -- Gregy Magdadaro/FRJ, GMA News