ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Eroplano ng CebuPac, sumadsad na naman sa runway


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isa na namang eroplano ng Cebu Pacific ang sumadsad sa airport runway Huwebes ng hapon, sa panahong ito sa Ninoy Aquin International Airport na.

Sinuspinde na ang piloto ng eroplano matapos ang insidente sa NAIA Runway 06.

Ayon sa ulat ni Sam Nielsen ng dzBB sa pakikipanayam kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Deputy Dir. Gen. Capt. John Andrews, sinabi nito na “grounded’ na ang piloto ng Cebu Pacific Flight 5J448 na nanggaling sa Iloilo.

Ayon kay Andrews, kinakailangan din umano nilang imbestigahan ang piloto kung ano ang dahilan ng insidente at kung may dahilan para hindi ito mabigyan ng kaukulang parusa.

Batay sa incident report na isinumite nina AirPhil officers Richard Borres, Cesar Dungga at German Tamaro, nangyari ang insidente dakong 4:16 ng hapon ng lumapag ang eroplano lulan ang 95 na pasahero kabilang ang 7 bata, 3 sanggol at 85 na matatanda.

Kinilala ang piloto ng eroplano na si Capt. Jay Palomilo.

Sa panayam naman ng dzBB kay MIA Gen. Manager Anghel Onrado, sinaabi nitong habang paparada na umano ang eroplano, biglang lumiko ito sa gawing kanan ng gilid ng runway at sumabit ang gulong nito.

“Ayon sa initial report na galing sa safety division ng MIA, pasado alas kwatro, isang flight ng Cebu Pacific... lumapag sa main runway… siguro nag slide siya.. during the landing at inararo yung limang… well nasira yung limang landing lights namin,” pahayag ni  MIA Gen. Manager Anghel Onrado.

Sinabi rin ni Onrado na mabuti na lang umano at hindi naapektuhan ang ibang flight ng NAIA.

“Awa ng Diyos at hindi naman tayo naapektuhan. There wasn’t a disruption of flights,” dagag pa ni Onrado.  — RC /LBG, GMA News