ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bayan sa Ilocos Norte, inulan ng yelo; isang barangay, binayo ng malakas na hangin


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Muling inulan ng yelo ang ilang lugar sa Solsona, Ilocos Norte na tumagal umano ng isang oras nitong Linggo. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Lunes, sinabi ng ilang residente na ito na ang ikalawang pagkakataon na umulan ng yelo sa kanilang lugar. Pero mas matagal umano ang pag-ulan ng yelo nitong Linggo na tumagal ng may isang oras. Kasunod ng pag-ulan ng yelo, binayo naman ng malakas na hangin ang barangay Santigao na tumagal ng may 30 minuto. Ilang puno ang natumba dahil sa malakas na hangin. Wala namang iniulat na nasaktan. -- FRJ, GMA News

Tags: ilocos, buhawi