ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Aktres Sarah Lahbati nagbalik-Pilipinas, haharapin ang kasong libelo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dumating noong Huwebes ng gabi ang aktress na si Sarah Lahbati at nagsabing haharapin niya ang kasong libelo laban sa kanya.

Lumapag sa NAIA dakong 11:30 p.m. ang Etihad flight 428 galing Abu Dhabi, na sinakyan ni Lahbati, ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa "Unang Hirit."

Matatandaang naglabas ng arrest warrant ang isang korte sa Makati laban kay Lahbati, kaugnay sa kasong libelo na isinampa ni GMA Films president Atty. Annette Gozon-Abrogar, na nag-ugat sa serye ng mga tweet ng aktres na patungkol kay Abrogar.

Maingat umano ang aktres sa pagbigay ng komento sa mga tanong ng media, ngunit nang tanungin siya ni Canlas ukol sa arrest warrant, sinabi nitong alam niya ito at handa siyang harapin ang kaso.

Ayon sa ulat ng "Unang Hirit," kasama ni Lahbati na dumating sa bansa ang boyfriend nitong si actor-model Richard Gutierrez .  —  LBG, GMA News