ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

7 patay, 4 sugatan sa bakbakan sa Mindanao


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Umabot sa pito katao ang kumpirmadong patay matapos tambangan ng mga rebeldeng tumiwalag sa Moro Islamic Liberation Front ang isang army truck sa Mindanao nitong sabado, ayon sa isang report ng Agence France-Presse.

Lima sa mga kasapi ng rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang napatay sa engwkentro, samantalang dalawa naman nasawi sa bahagi ng militar, ayon kay  Colonel Dickson Hermoso, tagapagsalita ng militar sa rehiyon.

Apat na sundalo rin umano ang sugatan matapos ang bakbakan sa Barangay Kateman sa bayan ng Guindulungan sa Maguindanao.

Ang mga miyembro ng BIFF, sa pangunguna ng lider nito si Ameril Umbrakato, ay dati ring mga miyembro na MILF, ngunit humiwalay ang mga ito dhail hindi sila sang-ayon sa peace talks ng gobyerno.

Nauna nang sumalakay ang BIFF noong ika-6 ng Hulyo at limang sundalo ang kanilang napatay.  Tatlo naman hanay ng mga rebelde ang nasawi.

Inakalang makaaapekto sa peace talks ang naunang pag-atake ng BIFF subalit nagpatuloy naman ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at ng pamahalaan.

Inaasahan ng dalawang kampo na malagdaan na ang inaasam na peace treaty sa 2016. Ang revenue-sharing term ang paksang pinag-uusapan ngayon ng dalawang kampo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nagsimula ang pag-aaklas ng MILF noong 1970s sa pag-asang maihiwalay ang Mindanao mula sa gobyerno ng Pilipinas. Tinatayang nasa 12,000 ang miyembro ng grupo. Simula nang magkaroon ng pag-aaklas, umabot na sa 150,000 ang nagbuwis ng buhay. — Rouchelle R. Dinglasan /LBG, GMA News

Tags: milf, peacetalks, biff