ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

4 sugatan sa banggaan ng 2 tricycle sa Bataan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Apat ang sugatan, dalawa sa mga ito ang malubha, matapos magbanggaan ang dalawang tricycle na sinasakyan nila sa Olongapo City- Gapan Road  sa barangay Magsaysay sa Dinalupihan, Bataan nitong nakaraang Linggo ng gabi. Kinilala ni P/Insp.  Janice Piga, police provincial information officer, ang mga sugatan na sina Benjamin Marie, drayber ng Euro 150 tricycle; Sonny Salo, driver ng Honda TMX tricycle at mga pasahero niyang sina Camilo Bautista at Salvacion Alcalin,  pawang mga residente ng Dinalupihan. Unang isinugod ang apat sa Jose Payumo District Hospital sa Dinalupihan ngunit agad silang inilipat sa ibang pagamutan.  Dinala si Marie sa isang ospital sa Balanga, samantalang sa Jose  Lingad Memorial Hospital sa San Fernando, Pampanga naman inilipat si Salo. Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga biktima. Isa sa mga draryber ang iniulat na labis na napinsala ang paa. “Nag-overtake sa isang sasakyan ang kasalubong naming tricycle at bigla kaming sinalubong at binangga,” ayon kay Bautista, na papunta umano sa direksiyon ng Olongapo City. Nangyari ang aksidente dakong 9:00 p.m. sa bahagi ng highway na may nakalagay na road sign na “Caution Accident Prone Area”. -- Ernie Esconde/FRJ, GMA News