ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sanggol, iniluwal ng inmate na ina sa palikuran ng Cebu City jail


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang inmate sa Cebu City jail ang biglang napaanak habang nasa palikuran ng nasabing piitan, ayon sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV. Sinabi ng mga kapwa bilanggo ng babae na hindi nila inaasahan na manganganak kaagad ito dahil sa Setyembre pa siya inaasahang magsisilang. Kaagad namang naitakbo ang mag-ina sa piitan at wala namang naging impeksiyon ang sanggol. Subalit dahil premature ang bata, nahihirapan umano itong huminga. Ibabalik naman sa piitan ang babae kapag lumakas na ang katawan. Sinabi sa ulat na aalagaan naman ng mga kamag-anak ng babae ang kanyang sanggol. - FRJ, GMA News

Tags: baby, cebu