ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bangkay ng sanggol na inilibing sa likod ng isang kapilya sa CamSur, nadiskubre


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang patay na bagong silang na sanggol ang nadiskubreng inilibing sa mababaw na hukay sa likod ng isang kapilya sa Libmanan, Camarines Sur.   Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing tinataya ng pulisya na tatlong araw ng patay ang sanggol nang madiskubre.   Sa pamamagitan naman ng tag na nakalagay sa mga labi ng sanggol, natukoy ang ina ng bata.   Paliwanag ng ina ng sanggol, patay na ang kanyang anak nang kanyang isilang. Ang kanya umanong ina ang naglibing sa bata sa likod ng kapilya. Muli naman inilibing sa maayos paraan ang bata. -- FRJ, GMA News

Tags: bicol, baby