ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Lalaking nagbebenta raw ng shabu sa mga estudyante, arestado sa Pangasinan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Naaresto ng mga awtoridad sa Alaminos City, Pangasinan sa isang buy-bust operation ang isang lalaki na umano'y nagbebente ng shabu sa mga estudyante. Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon, sinabing nakuha sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at P500 markadong pera na ginamit ng asset ng pulisya sa pagbili ng iligal na droga. Inaalaman na rin ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng umano'y kasabwat ng suspek sa loob mismo ng hindi tinukoy na paaralan. Mariin naman itinanggi ng suspek ang alegasyon laban sa kanya. Aniya, pahinante siya ng trak at nagdedeliber lang ng asin. Pero ayon sa pulisya, inamin ng suspek na napilitan siya magbenta ng droga para maipagamot ang ama. -- FRJ, GMA News
Tags: illegaldrugs,
More Videos
Most Popular