ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga pekeng pera na aabot ang halaga sa P2-M, nakumpiska sa Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang lalaki ang dinakip matapos makuha dito ang mga pekeng P1,000 bill at ilang pekeng dolyar na umaabot ang halaga sa P2 milyon sa Cebu City. Sa ulat ni Randy Gullon ng GMA-Cebu sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad tungkol sa ginagawang mga pekeng pera sa isang bahay sa barangay Kasambagan kaya ikinasa ang pagsalakay. Nadakip sa operasyon si Richard Uy, na napag-alaman na nahuli na rin sa kaparehong kaso noong nakaraang taon. Bukod sa mga pekeng pera, nakuha sa sinalakay na bahay ang isang printer at computer na pinaniniwalaang ginagamit ni Uy sa paggawa ng mga pekeng pera. Inamin naman ni Uy ang paggawa ng mga pekeng pera pero ginagawa lang niya ito kapag mayroong umuorder. Ayon kay P/Sr. Supt. Mariano Natuel Jr., director Cebu City Police, ang bawat piraso ng pekeng P1,000 ay naibebenta umano ni Uy sa halagang P90 hanggang P100. Dinadala umano ng mga pekeng pera sa Mindanao at maging sa Malaysia kung saan ito pinapapalitan ng ringgit. -- FRJ, GMA News

Tags: fake, fakemoney