ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lugar sa Pinas na mahaba ang buhay ng mga tao


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Alam niyo ba kung saang lalawigan naninirahan ang mga Pinoy na may mahahabang buhay na tinatayang tumatagal sa mundo ng hanggang mahigit 76 taon? Sa isang ulat ni Mark Salazar sa GMA news 24 Oras, sinabi nito na batay sa isinagawang pag-aaral ng National Statistics Coordinating Board (NSCB), ang mga naninirahan sa La Union ang itinuturing may pinakamahabang buhay sa Pilipinas. Sa life expectancy na nakapaloob sa 2009 Human Development Index ng NSCB, sinasabing nasa 76.4 years ang haba ng buhay ng mga taga-La Union. Kasama rin sa top 5 na lalawigan na may pinakamahahabang buhay ang Cavite (75.8); Misamis Occidental (75.4); Benguet (74.8) at Bulacan (74.6). Samantala, ang mga itinuturing maigsi ang buhay ay nasa lalawigan ng Ifugao (61.7); Lanao del Sur (59.7); Maguindanao (58.5);  Sulu (56.6) at pinakahuli ang Tawi-Tawi (53.6). Ang life expectancy sa Metro Manila ay na 72.8, habang 73.4 naman sa Cebu. Sinasabi sa ulat na ang haba ng buhay ng tao ay nakadepende rin umano sa kakayanan ng mga tao na gumasta para sa kanilang mga pangangailangan. -- FRJimenez, GMA News

Tags: pinoytrivia