ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Simbahan na may halong itlog


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mahirap paniwalaan pero totoo. Bukod sa paggamit ng coral rock, hinaluan ng puti ng itlog ang sementong ginamit sa pagpagawa ng isang simbahan sa Molo, Iloilo na itinayo noong 1831. Pinapaniwalaan kasi na lalong titibay ang simbahan na ngayon ay kilala sa tawag na St. Anne o Santa Ana--ikalawa sa pinakamalaking “Gothic Renaissance" church na natitira sa Pilipinas. Ang Santa Ana church ay isa lamang sa mga simbahan sa Pilipinas na ipinangalan sa Santa. Sa loob nito ay makikita ang 16 na life-sized ng mga female saint. Tila totoo naman ang paniwala na nakakapagpatibay ang puti ng itlog dahil mula 1831 ay nanatiling nakatayo ang simbahan sa kabila ng mga nagdaang lingdol, bagyo at digmaan. Ano ang ginagawa noon sa “pula" ng itlog, ito ang naging pangunahing sangkap sa masarap na “biscocho," ang sikat na biscuit sa Iloilo.-GMANews.TV

Tags: pinoytrivia