ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagkuha sa mga labing naiwan sa lumubog na barko sa Cebu, sisimulan na sa Lunes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakatakda nang simulan ng Navy ang pagkuha sa mga labing naiwan sa loob ng lumabog na pampasaherong barkong M/V St. Thomas Aquinas 1 ngayong Lunes, ayon sa ulat ng Philippine News Agency.

Sa ulat ng PNA, inihayag ni Naval Forces Central operations officer Lt. Cmdr. Noel Escalona na magsisimula ang retrieval operations matapos ang paglalagay ng mga marker buoy sa lugar.

Dumadaan lamang ang M/V St. Thomas Aquinas 1 sa makitid na strait malapit sa isang daungan sa Cebu nang mabunggo ito sa cargo ship MV Sulpicio Express 7 noong Biyernes ng gabi.

Mayroon itong dalang mahigit 800 katao at lumubog ilang minuto lamang matapos ang banggaan bandang 9 ng gabi. Samantala, hindi naman lumubog ang Sulpicao Express 7, na mayroon lamang 36 crew members.

Dagdag ni Escalona, nagpadala na ang Navy ng apat na technical divers mula sa Naval Special Operations Group upang tumulong.

Kasama nila ang dalawang miyembro ng Police Regional Office-7 at dalawang South Korean na mga diver.

Mga patay

Samantala, habang bumaba sa 82 mula sa 170 ang bilang ng mga nawawala noong Linggo, sinabi ng mga awtoridad na tumaas naman ang bilang ng mga labing nahanap.

Sa isang post sa Facebook account nito noong Linggo ng hapon, sinabi ng Philippine Coast Guard na mayroong 38 nang patay at 82 naman ang nawawala nitong 2:45 ng hapon.

Gayunpaman, sa hiwalay namang ulat ng "24 Oras" ng GMA News, nasa 39 na ang bilang ng mga patay nitong Linggo ng hapon.

Samantala, 750 mga pasahero na ang nailigtas, ayon sa Philippine Coast Guard

Pag-ulan ngayong Lunes

Samantala, inihayag ng PAGASA na maaari umanong maging banta ang maulap na kalangitan at maunlan na panahon sa search-and-rescue operations ngayong Lunes.

Ayon sa extendend forecast ng PAGASA, maaaring makaranaas ng maulap na panahon ang Cebu na may rain showers o thunderstorms ngayong Lunes. — Amanda Fernandez/BM, GMA News