Operasyon ng PNR, naantala dahil sa baha
Naantala ng pagbaha dulot ng matinding ulan ang mga byahe sa Metro Manila ng Philippine National Railways nitong Martes nang umaga.
Ayon sa Department of Transportation and Communications, pansamantalang sinuspinde ang byaheng Manila-Alabang dahil sa mataas na lebel ng tubig.
"Advisory: All PNR commuter trains plying Manila-Alabang are temporarily suspended due to high level of water in some areas," anang DOTC.
Binaha ang ilang bahagi ng Metro Manila nitong Martes dahil sa magdamag na halos walang awat na pag-ulan bunsod ng southwest monsoon na pinalakas pa ng Tropical Storm Maring.
Ilang istasyon ng LRT, binaha
Samantala, ayon naman sa Light Rail Transit Authority (LRTA), binaha ang ilang istasyon ng LRT Line 1 nitong 7:30 ng umaga.
Kabilang sa mga ito ay:
- Roosevelt: ankle-deep
- Balintawak: above the knee
- Monumento: above the knee
- 5th Ave: knee-deep
- Carriedo: above-ankle
- UN, Pedro Gil, Vito Cruz, Quirino, G. Puyat, Libertad, EDSA, Baclaran: above the knee
-- Amanda Fernandez/KBK, GMA News