Filtered By: Topstories
News

Altar ng simbahan na idinisenyo ni Dr. Jose Rizal


Alam niyo na may isang altar ng simbahan na ang nagdisenyo ay ang mismong Pambansang Bayani ng bansa na si Dr. Jose Rizal? Alamin kung saan ito matatagpuan. Sinasabing batay sa tala ng Holy Rosary Cathedral sa Dipolog City, ang orihinal na disenyo ng altar nito ay ginawa mismo ni Rizal nang ma-exile siya sa Dapitan noong 1892 hanggang 1896. Ang Holy Rosary Cathedral ay itinayo ng mga Spanish friar noong 1890s bago pa man kilalanin munisipalidad ang. Habang nasa Dapitan, pinakiusapan umano si Rizal ng isang pari na kanyang naging dating propesor  na gumawa ng disenyo ng altar na pinaunlakan naman ng pambansang bayani. Mula nang itayo ang simbahan noong 1890's, ilang ulit na rin itong dumaan sa mga pagsasaayos. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia
LOADING CONTENT