ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagbaril at pagpatay sa dating sundalo habang nagmomotorsiklo, nakunan sa CCTV


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nahagip sa closed-circuit-television (CCTV) camera ang ginawang pamamaril ng riding-in-tandem sa isang dating sundalo habang nagpapatakbo rin ng motorsiklo sa Naga City. Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Sabado, sinabing naganap ang pamamaril sa Maharlika Highway sa Concepcion Pequeña sa Naga City. Sa video, kitang-kita ang pagtumba ng biktima at kaangkas niyang misis. Ayon sa ginang ng biktima, ihahatid sana siya ng kanyang mister sa pinapasukang ospital nang makarinig na siya ng ilang putok. Idinagdag nito na hindi niya inakala na binaril na pala ang kaniyang mister sa pag-aakalang sumabog na gulong lang ang narinig na mga ingay. Nadala pa sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay dahil sa tama ng bala sa tagiliran at dibdib. Nagtamo naman ng galos ang ginang dahil sa pagkakatumba sa motorsiklo. Hindi rin niya nakilala ang mga salarin. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo ng pagpatay. Lumitaw na espesyal na uri ng bala ang ginamit sa pagpatay sa biktima. -- FRJ, GMA News

Tags: bicolcrime, bicol