ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
77-anyos na lola, binugbog at ginahasa umano sa Abra
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang 77-anyos na lola ang nagawang makapagsumbong sa mga pulis sa ginawang pananakit at pang-aabuso umano sa kaniya ng isang lalaki sa loob ng kaniyang bahay sa Abra.
Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Miyerkules, sinabi ng biktima na isang lalaki ang bigla na lamang pumasok sa kaniyang bahay.
Kasunod nito ay pinagsusuntok umano siya ng hindi tinukoy na suspek at pinagsamantalahan.
Nagawa naman ng biktima na makatakas sa suspek at nakagsumbong sa mga pulis sa kaniyang sinapit sa lalaki.
Ayon sa mga awtoridad, may iniimbestigahan na silang suspek sa nangyari sa lola. — FRJ, GMA News
Tags: rape
More Videos
Most Popular