Pahayag ng Santo Papa, 'di raw dapat bigyan ng ibang kahulugan
Nanindigan ang ilang lider ng Simbahan Katoliko na walang binabago si Pope Francis sa mga doktrina ng Simbahan.
Ayon kina Lingayen-Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, hindi dapat bigyan ibang pakahulugan ang naging pahayag ng Santo Papa sa panayam ng La Civilta’Cattolica.
Sinabi ni Pabillo, chairman ng Philippines National Secretariat for Social Action ng Catholic Bishops' Conference of the (CBCP-
Dagdag pa ng obispo, nais ng Santo Papa na ituro ng Simbahan ng pagpapahalaga sa kasal, ipaliwanag sa mga tao ang masamang epekto ng contraceptives at pagiging imoral ng same sex marriage.
“Walang sinasabi si Pope Francis na payagan ang divorce, paggamit ng contraceptives at same sex union. Ang sinasabi ng Santo Papa ay postulate, understand them and help them out," paliwanag ni Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.
"Sikapin na magkaroon ng pastoral approaches, pastoral care sa mga taong nandiyan sa kalagayan na ganyan,” dagdag pa niya.
Kinastigo rin ni Cruz ang maling pagbibigay ng kahulugan ng ilang mamamahayag sa sinabi ng Santo Papa.
Para sa retiradong arsobispo, mistulang pagkondisyon sa isipan ng publiko ang maling pagbibigay kahulugan sa sinabi ng Santo Papa sa usapin ng marital problem, homosexual at contraceptives.
“I am really get disturb, they are saying that the Pope is saying that everything is okey. The headline is disturbing, I can’t blame them but I know there are someone trying to influence the reasoning of people," ayon kay Cruz sa hiwalay ng panayam ng nabanggit na himpilan ng radyo.
"Nag-iisa na lang ang Pilipinas sa buong mundo na walang divorce, walang same sex marriage at ipinagbabawal ang paggamit ng contraceptives kaya ginagawa nila mind conditioning, they want people to believe what the news said, yung maling slant,” ayon pa kay Cruz.
Sinabi naman ni Cebu Archbishop Jose Palma, presidente ng CBCP, na mananatili at walang pagbabago sa doktrina o katuruan ng Simbahang Katoliko.
Aniya, inihayag lamang ng Santo Papa ang kahalagahan ng pagtulong at pagiging maunawain sa kalagayan ng tao hindi lamang ang pagtuturo ng salita ng Diyos. -- MP/FRJ, GMA News