ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Kanino ipinangalan ang Sta Mesa sa Maynila?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isa sa mga malalaking lugar sa lungsod ng Maynila ang Sta. Mesa, na sinasabing ipinangalan sa isang samahan na nakakaloob ng tulong sa mga tao noong panahon ng pananakop ng Kastila. Ang lugar kinaroroonan ng Sta Mesa ay sinasabing ipinangalan sa dating nagmamay-ari ng lupain na tinawag na Santa Hermandad de la Misericordia o Brotherhood of Mercy. Dahil sa kakaunti ang datos tungkol sa nasabing samahan na nagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan, sinasabing itinatag ang institusyon noong 1594. Isang kalye rin sa Tundo, Maynila ang tinawag na Sta Mesa pero kalaunan ay pinalitan ito at ginawang kalye Magsaysay, bilang pag-alaala naman sa dating Pangulong Ramon Magsaysay Sr. -- FRJ, GMA News
Tags: pinoytrivia
More Videos
Most Popular