ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

PNP, patuloy na pinaghahanap si Malik


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nangako ang Philippine National Police na ipagpapatuloy nito ang paghahanap kay Moro National Liberation Front commander Habier Malik, ngunit wala pa umano silang impormasyon sa kinaroroonan nito.

"We will be hunting him down. We are filing cases against them and once warrant of arrest is issued we will hunt them," ani Deputy Director General Felipe Rojas Jr., PNP deputy chief for operations, sa isang press briefing sa Camp Crame.

"Hindi pa sigurado kung nakatakas si Malik – well, we are not sure where Malik is right now. Hindi natin alam kung kasama na sya doon sa narecover na mga bangkay. We don't know right now where he is. Kung buhay ba o patay," dagdag niya.

Ayon sa kanya, patuloy pa rin ang "verification process" sa mga bangkay na narekober.

Dagdag ni Rojas: "There are reports na nandun pa si Malik holding out may tama sa left arm. Hindi makagalaw but may mga supplies pa sya, may baril may bala. But some reports also say that nakabalik na ho ng [Jolo]. Unconfirmed lahat ito. Walang validation."

Ayon kay Rojas, ang mas mahalaga ngayon ay naibalik na nila ang kontrol sa Zamboanga City.

"This war is not against Malik. This is a violation of the right to safety and security. So buhay o patay si Malik, I don’t think it's important. What’s important is na-regain natin yung Zamboanga City. This is not just a question of Malik. This is a question of bringing back normalcy in Zamboanga City," aniya.

Siniguro rin niyang nirerespeto ng PNP ang mga bangkay ng MNLF at susubukan nitong ilibing ang mga ito 24 oras matapos silang mahanap.

Nauna nang nakahanap ng bangkay na mayroong parehong sukat at tangkad ni Malik, at mayroong dalang mga ID umano ni Malik.

Gayunpaman, sa isinagawang imbestigasyon ng pulis, napag-alamang hindi ito ang bangkay ng MNLF commander. — Amanda Fernandez/BM, GMA News