ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Buto sa tuhod ng mga nakalibing, ninanakaw daw sa sementeryo para gawing agimat sa Davao City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Abala na ngayon ang maraming trabahador sa sementeryo para sa pagsasaayos ng mga libingan dahil sa nalalapit na Undas. Pero sa isang sementeryo sa Davao City, problema pa rin ang pagnanakaw sa buto sa tuhod ng kalansay na ginagawa umanong anting-anting.

Sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, ipinakita ng isang trabahador sa Roman Catholic Cemetery ang mga binutas o kaya'y tinibak na mga nitso.

Ang Roman Catholic Cemetery ang isa sa pinakamalaking libingan sa lungsod.



Ang grupong "pulahan" umano ang sinasabing nasa likod ng pagnanakaw ng mga kneecap na ginagawang anting-anting, na naibebenta rin umano.

Wala raw pinipili ang mga magnanakaw ng tuhod ng kalansay. Maging bago o lumang bangkay ay binubutas ng mga magnanakaw para kunin ang kanilang pakay na bahagi ng bangkay.

Sa mga naunang ulat na lumabas tungkol sa nasabing pagnanakaw sa mga kalansay, sinasabing ang mga nagtataglay ng anting-anting ay hindi tatablan ng bala o patalim.

Bukod sa mga magnanakaw, problema rin umano ng mga nagbabantay sa sementeryo ang mga tumatambay sa libingan, at ang iba ay nag-iinuman pa. -- FRJ, GMA News

Tags: cemetery, amulet