ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pinuno ng LTO, magreretiro na sa katapusan ng buwan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inanunsyo ng pinuno ng Land Transportation Office na si Virginia Torres nitong Lunes na magreretiro na siya mula sa pagseserbisyo sa gobyerno.
Sa panayam sa dzRH radio, iginiit ni Torres na nagretiro siya at hindi sinibak sa pwesto.
Dagdag niya, wala siyang nararamdamang pagsisisi sa kanyang desisyong magretiro matapos ang 33 taon sa serbisyo.
"I had given my best. Hindi ako nalulungkot, hindi ako nagsisisi. Ako, taas noong bababa," aniya.
"Nagpaalam na ako kay PNoy. Hanggang katapusan na lang ng buwan ako sa pwesto," dagdag niya.
Ayon kay Torres, nananatili ang kanyang tiwala sa gobyerno, na kanyang pinagsilbihan ng 33 taon.
Samantala, tumanggi siyang magkomento tungkol sa mga problema sa kanyang opisina, kabilang na ang matagal na produksyon ng mga license plate, na sinasabi niyang dapat sagutin ng Department of Transportation ang Communications.
"We always respect the hierarchy (of the) DOTC," aniya.
Pinabulaanan rin niya ang mga spekulasyong malapit umano siya kay Aquino dahil isa siya sa kanyang KKK (kabarilan, kaklase, kabarkada).
"Hindi siguro ito 'yan. Hindi ako kabarilan. 'Yan ang masasabi ko," aniya.
Gayunpaman, sinabi rin niyang nagpapasalamat siyang nabigyan siya ng pagkakataong pamunuan ang ahensya.
"First time na ang empleyado naging head ng tanggapan," aniya.
Ayon kay Torres, hindi siya magrerekomenda kay Aquino kung sino ang papalit sa kanya bilang pinuno ng LTO.
Gayunpaman, pinayuhan niya ang kanyang magiging kapalit na respetuhin ang mga empleyado ng LTO.
"Ang aking pakiusap, mahalin at irespeto ang employee sa LTO," aniya.
Nasangkot sa kontrobersya si Torres matapos kumalat sa mga social networking site ang video na nakikitang naglalaro siya sa isang slot machine sa loob ng isang casino.
Ayon kay Torres, ang video na ito ay "done with malice."
Ayon sa Memorandum Circular No. 8 na inilbas ng Malacañang noong Agosto 28, 2001, "All government personnel concerned are prohibited from entering, staying and/or playing at gambling casinos."
Ayon sa ulat ng Manila Times noong Lunes, hiniling umano ni Aquino kay Torres na magsumite ng letter of resignation.
Ayon sa ulat, sinabihan umano ni Aquino si Torres na isumite ang kanyang pagreretiro at ilang ang "various threats to her life" bilang isa sa kanyang mga rason. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
Tags: virginiatorres
More Videos
Most Popular