ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Batang babae na nadamay sa barilan ng mga pulis sa Muntinlupa, pumanaw na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sumakabilang-buhay na nitong Biyernes ng hapon ang 10-taong-gulang na babae na tinamaan ng ligaw na bala sa ulo sa umano'y "misencounter"  ng pulis sa Muntinlupa at tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes ng gabi,  sinabing dakong 1:30 p.m. nang ideklarang pumanaw si Heart Macapagal sa Ospital ng Muntinlupa.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo si Macapagal dahil sa barilan na naganap sa labas ng kanilang bahay sa Fabian Compound, Alabang nitong Lunes ng gabi.



Batay sa lumabas na mga naunang ulat, nagsasagawa umano ng operasyon sa Fabian Compound ang dalawang tauhan ng PNP-HPG na sina SPO1 Macario Romano at SPO1 Aniceto Santiago. 

Pakay ng operasyon ang isa umanong sangkot sa carnapping na si Michael Maranan.

Sinasabing hindi nakauniporme ang mga tauhan ng PNP-HPG kaya inakalang mga kriminal ng pulis na si PO3 Mersar Rapirap at pinaputukan ang mga kapwa awtoridad.

Sa palitan ng putok, napatay sina Maranan at Romano, habang lima ang nasugatan -- kabilang si Macapagal. -- FRJ, GMA News

Tags: rpcrimes, crimes