ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bohol at Cebu, isinailalim na sa state of calamity
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isinailalim na sa state of calamity ang mga probinsya ng Bohol at Cebu nitong Martes matapos ang pagyanig ng magnitude-7.2 na lindol sa Visayas region nitong umaga.
Ipinatupad ng Cebu provincial board ang resolusyon matapos ang pagkamatay ng 15 katao, habang sugatan naman ang daan-daan pang iba dahil sa lindol. Marami ring mga establisyamento at mga simbahan ang napinsala.
Sa isang panayam sa Balita Pilipinas ng GMA News TV, sinabi ni Bohol Gov. Edgar Chatto na napagkasunduan ng provincial council na ideklarang calamity area ang buong probinsya.
"[This is] to allow the local government to be able to use the calamity fund to respond to the situation in their respective municipalities,” aniya.
Ayon sa kanya, nais niyang bumalik na sa normal ang sitwasyon sa lugar upang makabalik na ang mga resident sa kanilang mga tirahan.
“We hope the situation will soon return to normal para makabalik yung mga tao sa kanilang pamamahay. Yung mga tao nasa kalsada, nagka-camp out sa labas dahil takot sila na baka may aftershocks na sumunod pa,” aniya.
Samantala, sa Bohol, si Board Member Yul Lopez ang nag-anunsyo sa pagsasailalim sa state of calamity ng probinsya, ayon sa ulat ng dzBB Super radio.
Tumama ang malakas na paglindol sa Bohol bandang 8 ng umaga, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Nitong Martes ng hapon, 32 katao na ang napatay matapos ang lindol, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
Nitong Martes ng hapon, 32 katao na ang napatay matapos ang lindol, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
Tags: visayasearthquake, earthquake
More Videos
Most Popular