Brownout sa ilang lugar sa Nueva Ecija, posibleng magtagal pa
Problema pa rin sa ilang lugar sa lalawigan ng Nueva Ecija ang suplay ng kuryente ilang araw matapos ang mananalasa ng bagyong "Santi."
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes, inihayag umano ng lokal na pamahalaan na posibleng magtagal pa hanggang sa susunod na buwan ang brownout.
Ang problema sa suplay ng kuryente ay bunga ng mga nasira at natumbang mga poste.
Sa ngayon ay inaalam pa umano ng Nueva Ecija Electric Cooperative ang kabuuang bilang ng nasirang poste.
Patuloy naman ang ginagawang pagsasaayos ng National Grid Corporation of the Philippines sa mga linya ng kuryente sa Nueva Ecija at maging sa lalawigan ng Aurora.
Sa ngayon, gumagamit ng generator ang ilang residete, at suspindido hanggang sa Biyernes ang klase sa mga paaralan.
Marami umanong paaralan na napinsala ng baha ang kailangan pang ayusin. -- FRJ, GMA News