ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Batang babae na nagbibisikleta, nalunod matapos mahulog sa palaisdaan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi akalain ng isang ina sa Calasiao, Pangasinan na mauuwi sa trahedya ang pagbibisekleta ng kaniyang pitong-taong-gulang na anak na nalunod sa isang palaisdaan na may 10 tampakan ang lalim.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, ikinuwento umano ng ina ng biktima na kauuwi lang ng kaniyang anak mula sa eskwela nang magpaalam ito para maglaro sakay ng kaniyang bisekleta.



Hindi pa umano bihasa ang bata sa pagbibisikleta kaya posibleng nawalan ito ng balanse at nahulog sa palaisdaan sa nasa gilid ng kalsada.

Nadala pa sa ospital ang bata pero binawian din ng buhay. -- FRJ, GMA News