ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lake Sebu sa S. Cotabato, tinamaan ng fish kill


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inaalam na ng lokal na pamahalaan ang dahilan at pinsala ng fish kill na tumama sa Lake Sebu sa South Cotabato na naging dahilan ng pagkalugi ng mga nag-aalaga ng isda.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabing may 60 fish cages ang apektado fish kill. Ang isang may-ari pa lamang, nasa P250,000 na umano ang nalugi.



Ang iba namang mangingisda, hinahango na ang mga buhay na isda kahit maliit pa para maibenta kaysa mamamatay.

Ibinibilad umano sa araw at ginagawa tuyo ang ibang isda.

Isa sa pinaghihinalaang dahilan ng fish kill ay ang pabago-bagong panahon na nararanasan sa lugar.

Inaalam pa ng pamahalaang lokal kung ilang tonelada ng isda ang nasayang. -- FRJ, GMA News

Tags: fishkill