ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Babaeng inakalang nagpakamatay, biktima pala ng karumal-dumal na krimen


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ginahasa at pinatay ang babaeng unang inakalang nagpatiwakal matapos siyang matagpuang walang buhay na nakabigti sa isang bakanteng bahay sa Molo, Iloilo City noong Martes.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Sabado, sinabing lumabas sa awtopsiya sa mga labi ng kasambahay na si Liza Bosio na pinagsamantalahan ito.

Unang inakala na nagpakamatay si Basio matapos matagpuan ng kapwa kasambahay na nakasabit ito sa kisame at may nakapalupot na telephone cord sa leeg.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na may saksak ang biktima at may bukol sa ulo. May mga nakita ring bakas ng dugo sa paligid kung saan nakita ang bangkay ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang salarin. -- FRJ, GMA News

Tags: iloilocrime