Mga isyung bumabalot sa pamahalaan, tatalakayin ni PNoy sa telebisyon
Inanunsyo ng Malacañang na tatalakayin ni Pangulong Benigno Aquino sa television ngayong Miyerkules ng gabi ang mga isyu na bumabalot ngayon sa pamahalaan.
"President Aquino will address the nation tonight from Malacañan Palace between 6:30 and 7:30 p.m. on PTV and other stations to discuss current issues," ayon sa isang media advisory ng Palasyo.
Nang tanungin kung ano ang magiging mensahe ng Pangulo, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Herminio Coloma Jr. sa GMA News Online "current issues."
Gagawin ng pangulo ang kanyang pahayag sa gitna ng kontrobersya ng Disbursement Acceleration Program (DAP), isang mekanismo sa paglalaan ng pondo para umano mapabilis ang paglago ng ekonomiya.
Ilang mga mambabatas rin at mga personalidad ang ngayo'y nahaharap sa kasong plunder dahil umano sa maling paggamit ng pondo.
Matatandaang huling nabigay ng pahayag ang pangulo sa telebisyon nang ipinanawaga niya ang pag-abolish sa Priority Development Assistance Fund (PDAF). — LBG, GMA News