ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Kinaing lechon ng 17 residenteng hinihinalang na food poison sa Iloilo, sinusuri
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sinusuri ng Iloilo Provincial Health Office ang kinaing lechon ng 17 residente na hinihnalang na nalason sa naturang pagkain noong Undas.
Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon," sinabing naospital ang mga biktima noong Nobyembre 1 matapos makaranas ng matinding pagsusuka, pananakit ng ulo at tiyan, at pagkakaroon ng lagnat.
Ligtas na at nakalabas na ng ospital ang mga biktima.
Nabili umano ang lechon sa isang tindahan sa Pototan, Iloilo.
Bagaman tumangging magsalita sa harap ng camera ang may-ari ng lechonan, sinabi nito na ito ang unang pagkakataon na nakatanggap sila ng reklamo sa loob ng 13 taon nilang pagtitinda ng lechon. -- FRJ, GMA News
Tags: foodpoison, iloilofoodpoison
More Videos
Most Popular