ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bilang ng nasawi, maaaring aabot sa 2k hanggang  2.5k at hindi 10k —PNoy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tinatayang nasa pagitan ng 2,000 at 2,500 at hindi 10,000 ang maaaring bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Yolanda, ayon kay Pangulong Benigno Aquino III noong Martes sa panayam ng CNN.

Kasabay ng panayam kay Aquino ng CNN, umalis ang mga barkong pangdigma ng mga bansang Amerika at Britanya patungong Pilipinas upang tumulong sa paghahatid ng relief goods sa mga biktima.

"Ten thousand, I think, is too much," sabi ni Aquino sa isang panayam sa CNN. "There was emotional drama involved with that particular estimate."

Ayon kay Aquino, patuloy na nangangalap ang pamahalaan ng impormasyon mula sa iba't ibang lugar na tinamaan ng bagyo at maaaring tumaas pa ang bilang ng namatay.

"We're hoping to be able to contact something like 29 municipalities left wherein we still have to establish their numbers, especially for the missing, but so far 2,000, about 2,500, is the number we are working on as far as deaths are concerned," sabi niya.

Sa kasalukuyan, ang opisyal na bilang ng nasawi ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ay nasa 1,833 nitong Miyerkules, ayon sa pinakahuling update ng NDRRMC. Nasa 2,582 naman ang sugatan, 82 ang nawawala at 6,937,239 ang kabuuang naapektuhan ng bagyo.

Nagulat ang gobyerno sa epekto ni Yolanda na tumama sa Visayas nitong Biyernes at rumagasa sa Tacloban, ang kabisera ng Leyte kung saan tinaya ng mga lokal na opisyal ang bilang ng nasawi sa 10,000, karamihan ay namatay sa pakalunod sa mala-tsunami na storm surge.

Sinabi ni Aquino ang masmababang pagtataya ng nasawi matapos maglayag ang nuclear-powered na aircraft carrier na USS George Washington patungong Pilipinas, dala ang 5,000 sailors at 80 aircraft na tutulong sa relief efforts.

"The weather is pretty bad out there, so we are limited by seas and wind," sabi ni Captain Thomas Disy, commander ng USS Antietam, isang missile cruiser na bahagi ng carrier group, mula sa Hong Kong. "But we are going to be going as fast as we possibly can." — JGV /LBG, GMA News